Here’s A Cactus For You

*This blog post is purely personal, is directly dedicated to a certain person and is actually a hundred percent made up of rants, read at your own risk.

To all the shitty people who continuously judge and destroy others without knowing the whole truth, this one is for all of you. (And yes, I hope you can all read this)

Una sa lahat, gusto kong sabihin na ito ang unang beses na gagamitin ko ang wikang tagalog sa aking pagsusulat na sumasalamin ng aking labis labis na pagkapoot at pagkamuhi sa inyo.

Kailanman, sa buong buhay ko ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kahit sino. Buong buhay ko, natuto akong magpatawad at umintindi sa mga panghuhusga ng kung sino mang tao. Napakaraming nagsasabi sa akin noon na hindi ako magaling, na wala akong alam at hindi ko kayang tuparin ang mga pangarap ko, ngunit hindi ko na lamang ito pinapansin. Sa kabila ng lahat ay nanatili akong tahimik, patuloy na lamang akong nagsusumikap para ipakita sa lahat na kaya ko. Kahit gaano karaming balakid ang dumating, hindi ako sumusuko. Nginingiti ko na lamang ang lahat dahil alam kong kahit anong sabihin nila, alam ko kung ano ang katotohanan at wala akong dapat ipangamba.

Ngayon, patuloy ninyong hinuhusgahan ang pagkatao ko. Patuloy kayong gumagawa ng haka-haka nang hindi man lang inaalam sa akin kung ano ang katotohanan. Nasaan ang katarungan kung patuloy niyo na akong inaakusahan habang hindi ako binibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko.

Una sa lahat, kung ibabase niyo lamang ang panghuhusga ninyo sa kung anong nakalagay sa internet ay hindi iyon makatarungan. Paano kayo nakakasigurong iyon ang katotohanan? Paano niyo nasisigurong hindi ito parte lamang ng isang biruan ng mga magkakaibigan o kung ano pa man. Maaari naman kasing magtanong muna bago magsalita ng kung ano man.

Ang isang larawan ay kailanmang hindi natin dapat pagbasihan ng katotohanan, bakit? Dahil wala namang paliwanag ang nakalagay sa bawat larawan kung ano talaga ang tunay na nangyayari sa mga panahong iyon. Hindi sapat ang mga larawan para iparating kung ano ba talaga ang mga kaganapan sa buhay ng isang tao.

Pangalawa, sa aking palagay ay normal lamang para sa isang disi-otso años na babae ang makipagkaibigan sa kahit sinong tao ang gusto niyang kaibiganin. Itong bagay na ito ay dapat labas na sa pakikialam ng kung sinong Pontio Pilato. Kung gusto kong magkaroon ng isang lalakeng malapit na kaibigan, with all due respect, hindi niyo na ito dapat pang pakialamanan. Sa panahon ngayon, normal na lamang ang magkaroon ng kaibigang nagmumula sa kabaliktarang kasarian at normal na lamang ang mga akbayan ng isang malapit na magkaibigan. Hindi na ito dapat pang binibigyan ng anumang malisya. Kung patuloy ninyong bibigyan ng malisya ang lahat ng bahay ay talaga namang mapapagod kayo.

Pangatlo, karapatan ng bawat teenager na mabigyan sila ng kanilang personal space. May mga bagay na dapat na lamang isarili. Ang mahalaga, nakikita ninyong mabuti ang mga ginagawa ko, nagaaral ako ng mabuti at hindi ako nagkukulang sa mga obligasyon ko bilang isang anak/pamangkin/apo, hindi ako nagbubulakbol, umiinom, nagdodroga, naninigarilyo, o sumasali sa kung ano mang organisasyon na maaaring makasira sa aking buhay. Huwag na huwag niyo akong pagbibintangan ng kung anu-anong mga bagay dahil oras nga para makapag-ayos ng sarili ko wala ako, oras pa kaya para maggala at magpakawala? Ang natatangi kong prioridad ay ang pag-aaral at ang natatangi kong libangan ay ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at ang pagpinta. Hindi sa sinasabi kong utang na loob niyo ito sa akin, ang sinasabi ko lamang ay dapat bigyan niyo ito ng pansin at ikatuwa. Kailan man ay hindi ako lumabag ng kahit anong utos sa akin at hindi ako kailanman nagsinungaling.

Pang-apat, bago niyo pakialamanan ang buhay ko, ayusin niyo muna yang buhay niyo na puno ng gulo at baluktot. Huwag niyo akong itulad sainyo. Huwag kayong gumawa ng kwento na lubhang malayo sa katotohanan para lamang makuha ang gusto niyo.

Higiti sa lahat, huwag na huwag niyong kinakanti ang nanay ko dahil hindi niyo alam kung ano ang maaari naming gawin.

Kaya kung marapat lamang ay tantanan ninyo ang patuloy na panghihimasok sa aking buhay. Tantanan niyo ang patuloy na pangingialam at paghuhusga sa akin. Marapat lamang na tanungin niyo muna sa akin kung ano ang katotohanan bago kayo maniwala sa mga sabi-sabi. Ako lamang at ang Panginoon ang nakakaalam ng buong katotohanan kaya wala kayong karapatan para husgahan ako.

P.S. You may say that I sounded so rude and so arrogant without any sense of respect right now. Well, I hope you thought of that long before. You know why? Because respect is not merely given, it is earned. Reflect on your life right now, do you think you are worth respecting? I attest you are not.

Advertisements

Posted by

Catherine is a 20-something BS Nutrition student of the University of the Philippines, but her heart screams for the art. She is a freelance creative and model, an artist and a writer, and an advocate of human rights and the environment.

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s